Basahin at Unawain
Cybercrime Law.
Mayroon lang akong dalawang tanong—isa para sa mga mamamayan at isa para sa mga lumikha at nag-apruba ng batas.
Para sa mga mamamayan: Binasa at inunawa ba ninyo ng maigi ang nasabing batas?
Para sa mga lumikha at nag-apruba: Binasa at ipinaunawa ba ninyo ang nasabing batas sa mga mamamayan?
Susugod na sana ako, pero bigla akong huminto. Tanong sa akin ng sarili ko, “ Alam mo ba ang ipinaglalaban mo?” Tsaka ko napagtanto, hindi ko pala alam.
Unang lingo ng Oktubre, tila nabuhusan ng malamig na tubig ang buong Pilipinas dahil sa balitang pag-apruba at pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act o mas kilala bilang Cybercrime Law. Ni hindi ko nga alam na may Cybercrime Bill, bigla-bigla na lang, batas na pala. Ang daming nagreact.
May dalawang forwarded SMS akong natanggap na nagsasabing, “mamaya pong 12pm ay magkakaroon po ng permanenteng pagkabura ng ating mga accounts ito po ay galing sa facebook company hinihiling po ang bawat isa naipasa ito sa 20 katao upang malaman ng facebook company na aktibo ang iyong account kapag hindi mo ito napasa tutulyan na mawawala ang iyong account simula 12am pasensya nap o sa abala txt conversation end.”

(‘Yan ang exact message na natanggap ko. Hindi siguro humihinga ‘yung may pakana niyan at wala man lang comma o tuldok. Masyado pang maraming typos. At ano ba kinalaman ng Facebook company sa cybercrime law ng Pinas?)
Isa pang text message, “sa lahat ng facebook users please change our profile picture into color black para di matupad yung CYBER CRIME LAW kontra po tayo ditto. Kasi kapag di tayo nanalo tomorrow wala ng fb, bawal na magpost, comment etc. Pag nagpost or nagcomment ka kulong ka ng 12 yrs. No to cybercrime law. Share mo ‘to sa iba. Makiisa.” Parang ‘yung mga chain message lang na lumalaganap at nagsasabing ikamamatay mo ‘pag hindi mo naipasa ‘yung message. Tsk!
October 5 ko natanggap ang dalawang text message, pero isang araw bago ko matanggap ang mga ‘yan, nag-online na ako sa Facebook account ko. Akala ko nga may diperensya ‘yung Facebook o ‘yung gamit kong computer, eh dahil may mga profile picture ng friends ko ang kulay itim. Tsaka ko lang nalaman na para pala yun sa pagkontra sa Cybercrime Law. Gumaya rin ako bagama’t ang tanging alam ko lang tungkol sa batas ay ang mga naririnig ko mula sa mga tao sa paligid ko. Naisipan kong magdownload ng kopya nung batas at may nakuha nga ako.
October 5, binasa ko ‘yung nakuha kong kopya ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Paulit-ulit ko iyong binasa at pilit na inunawa, pero hindi ko makita ‘yung hinahanap ko. Napaisip tuloy ako kung tama ba ‘yung kopya na nakuha ko dahil hindi naman doon nabanggit ang kinatatakutang pagbabawal mag-like, mag-comment at mag-post sa Facebook! Maganda nga ang pagkakalikha ng batas sa pagkakaunawa ko dahil sinasagot n'on ang matagal nang problema ng bansa ukol sa Cybercrimes.
October 5, ipinakita sa balita ang interview kay Senator Miriam Defensor-Santiago. Ayon sa kanya, ang pagpasa daw ng batas na iyon ay kasabayan ng mainit na impeachment ng dating Chief Justice Renato Corona kaya’t hindi na masyadong napagtuunan ng pagtatalo ang bill. Ni hindi nga daw nabasa iyon ng ilang mambabatas hanggang sa nakaabot na sa pangulo ang bill para lagdaan at gawing batas. Ang iniisip ko ngayon, binasa ba man lang ng pangulo bago niya nilagdaan?
Dapat siguro pinag-aralan mabuti ang bill na iyon bago pa nakaabot sa senado, dapat siguro binasa muna ng maigi ng mga mambabatas bago ipinasa sa pangulo at dapat siguro ipinaunawa muna sa mga tao ang nilalaman ng bill bago iyon inaprubahan ng pangulo at bago naging batas ng tuluyan. Mahalagang mapag-aralan ng mabuti ang kahit anong batas na ipapatupad dahil nakasalalay rito ang ikabubuti o ikasasama ng ating bansa. Magbasa at umunawa.
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa bago tumawid ng kalsada dahil ang hindi pinag-isipang prinsipyo ay nakamamatay.