Dalamhati't Pag-Asa Ngayong Eleksyon 2022

Nagdaramdam ako

Na tila ba nilisan ng pinakamamahal.

Natutulala. Napapaisip.

Naluluha't nagagalit.

Anong pag-asa pa ba ang matatamasa

Kung ang demokrasiyang natamo

Inialay muli sa diyablo?

Demokrasya ba ang pagkawagi

Sa tulong ng impluwensya't salapi?


Nagaganyak ako

Na tila batang binigyan ng lobo.

Napapatitig. Napapangiti.

Naluluhang impit.

Ang apoy na sinindihan

Nag-aalab ngayon, higit kailan pa man.

Rebolusyon! Ang nagkakaisang himig

Pag-asa ang dalangin

Rosas ang liwanag sa gabing madilim.