Kung Paano Ako Nahumaling sa Kpop
September 2016. Bored na bored na ako sa buhay. Naghahanap ako sa Facebook ng mapapanuod na Korean drama. (That time, hindi pa sikat ang mga streaming services sa Pinas. Ang mga Kdrama fan, sa DramaFever at KissAsian nanunuod. 'Yung mga walang pang-download ng HD videos, tulad ko, sa Facebook umaasa.) Then natiyempuhan ko 'yung full episode ng Weekly Idol na ang guest ay GOT7.
Now, that time, pa-boom ang Kpop sa Pinas. Papalaki na ang BTS at fandom nila. Nagsi-simula na magkaroon ng Armys (fans ng BTS) versus EXO-Ls (fans ng EXO). Then ako, hinahanap ko ang GOT7 amid the rising Kpop wave. Kilala ko na sila since college in 2013, thanks to my classmates na die-hard Kpop fans, pero 'A' lang ang alam kong kanta nila.
So, anyway, pinanuod ko 'yung Weekly Idol episode na 'yon kung saan guest ang GOT7. At doon nagsimula ang lahat.
It was 'Hard Carry' era. Sobrang nahatak ako ni Jaebeom ng araw na iyon. After watching that episode, pinanuod ko naman 'yung music video ng 'Hard Carry' tapos lahat na ng MVs nila. Two weeks akong nag-struggle i-identify sino ang sino. Nalito pa ako kay Mark tsaka Bambam noong una, pero noong ma-familiarize ko na ang sarili ko sa kanila, everything went exciting, sweet and fun. Grabe!
Tapos nag-fanmeeting sila sa Cebu and Manila nung December 2016. Sobrang sakit sa damdamin kasi hindi ako maka-attend bilang hamak na minimum-wage earner. Iniyakan ko 'yon!
And I thought, 'yung pag-fa-fangirl ko sa GOT7, short-lived lang, pero no! It's already 2022 and I'm still an ahgase waiting for their comeback. Sa kanila ako naging fan ng ganito katagal. Bago noon, nahumaling pa ako sa AlDub (yeah, yeah most of us naman yata) pero nagsimula akong nagsawa sa kanila pagkatapos ng #TamangPanahon. Maiksing panahon lang 'yon. Naging fan din ako ng ibang Hallyu celebrities, pero hindi 'sing tindi ng fangirling ko sa GOT7.
Sila rin ang nagpakilala sa akin ng KPop. Pinakinggan ko sila, ang EXO, BTS, iKON, WINNER, Monsta X, Seventeen at marami pang ibang boy group. Tapos sa girl groups, na-in love ako sa Dreamcatcher dahil sa Japanese rock-inspired music nila. (Hindi naman ako palakinig ng Japanese rock, pero gustong-gusto ko mga OST ng animes.) Marami pa akong kilalang KPop groups mula first generation to fourth generation. Although hindi ko kabisado mga members ng karamihan, alam ko mga pangalan ng grupo nila.
Sa KBands naman, fan ako ng DAY6, CNBlue at FTIsland. Then, recently nakilala ko ang The Rose. Iba-iba ang tunog nila, pero gustong-gusto ko mga kanta nila. College pa lang noong nagsimula akong makinig ng mga kanta ng CNBlue dahil kay Jung Yong-Hwa at sa KDrama niyang "Heartstrings." Hindi ko naman matandaan paano ko nakilala ang FTIsland, pero gustong-gusto ko ang boses ng kanilang lead vocalist, si Lee Hong-Ki. Ang DAY6 naman ('eto funny) dating ka-agency ng GOT7 sa JYP Entertainment (JYPE). During MAMA 2016, nominated ang DAY6 for Best Band. Sa screen, DAY8 ang lumabas nang banggitin sila, pero nung binilang ko ang members nila, lima lang (HAHA). Pinakinggan ko sila simula noon, pero naging super fan ako noong lumabas ang "Shoot Me". Naging instant bias ko si Young K.
Dahil din sa DAY6 ay nakatapos ako ng isang fanfiction, ang "Without You (A Young K FanFiction)". Ang sayang isulat 'yon. Kilig na kilig ako sa sarili kong imahinasyon.
Ilang albums na rin ng GOT7 at DAY6 ang nabili ko. Naka-attend na rin ako ng concert ng GOT7 noong 2019. Isa iyon sa mga hindi ko malilimutang moment sa buhay ko kahit umuwi akong namamaos at may tinnitus. (Scholarship allowance ko pinangbili ko ng concert ticket. Sorry po.)
Pero matapos umalis ng GOT7 sa JYPE at mas nag-focus sa kani-kanilang solo activities, nag-focus na rin ako sa sarili ko. Hindi ko naman sila binitiwan ng tuluyan. Mas maigi sigurong sabihing, mas nag-relax ako tulad ng pag-relax nila. Hindi na ako 'yung nakikipagbardahan sa social media sa tuwing may lumalait sa kanila. Tanggap ko nang magkakaroon sila ng kani-kanyang girlfriend (tanggap ko na, JayB). Casual na lang din akong nakikinig ng mga kanta nila at nanunuod ng kung anumang show na naroon sila. Although hinintay ko talaga 'yung comeback nila after nilang umalis sa JYPE.
Masayang makinig ng KPop. Oo, hindi ko naiintindihan, pero music is universal. I enjoy the moment listening to it kahit pa hindi ko maintindihan ang lyrics. Alam kong darating ang araw na mawawala na ang GOT7 at KPop, in general, sa araw-araw kong buhay. Iyong mag-iiba na ang taste ko at priorities ko. Pero masaya akong naging parte ito ng buhay ko noong mga panahong kinakain ako ng lungkot.