Ma, Tulong
Ma, pagod na ako.
Pwede na bang sumuko?
Nung isang gabi, sa pagod ko,
lumagpas ako ng istasyon ng tren.
Kahapon at ngayon,
Hindi ako pumasok sa trabaho.
Ma, pagod na ako.
Gusto ko nang sumuko.
Nang nilagpasan ng tren ang istasyon ko,
Parang ayoko nang umuwi sa'tin.
Naroon ako sa pagkakataong
Handa na akong marating ang dulo.
Ma, pagod na ako.
Susuko na ako.
Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko.
May pag-asa pa ba sa'kin?
Parang hindi na ako dadatnan ng panahon.
Baka hanggang dito na lamang talaga ako.