Ilang Araw?

Ilang araw na nga ba
Mula nang ika'y lumisan?
Ilang araw na nga ba
Mula nang huling tawa, huling iyak
Huling halik, huling yakap?
Ilang araw na nga ba
Mula nang sabihin mong
Wala na ang dating tibok ng iyong puso.

Narito ako, nagbibilang ng araw
Kung kelan muling magiging masaya
Kung kelan muling mangangarap
Nang pag-ibig na wagas
Nang kinabukasang walang lungkot,
Walang luha sa aking mga mata.

Narito ako, nagbibilang ng araw
Kung kelan mo maiisip na ako ang taong nakalaan para sa'yo
Na ako ang tunay na magmamahal, nang walang maliw at pag-aalinlangan.
Kelan mo kaya muling mararamdaman
Na oo, ako ang taong handang makasama mo
Mula kahapon hanggang bukas na walang kasiguraduhan.

Narito ako, nagbibilang ng araw
Kung kelan ka babalik sa aking yakap
At muling sasambiting mahal mo pa rin ako
Tulad ng pagmamahal ko sa'yo
Na hindi masusukat ng ilang araw na lulubog at sisikat.