Ang Huling Tulang Isusulat Para Sa'yo

Ito na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
Nasabi ko na ang lahat ng nais kong iparating.
Naipalam ko na ang tunay na damdamin.
Salamat sa sandaling pagkakataong ibinahagi.

Ito na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
Sana masaya ka na sa piling niya.
'Wag ka na muling babalik nawa,
At maging kuntento sa iyong kasalukuyan.

Ito na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
Nasagot na ang mga tanong sa isipan ko.
Nalamang pampalipas oras lang pala lahat ng ito.
Sana hindi umasa sa mga salita mo.

Ito na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
Hiling kong hindi na tayo mag-tagpo.
Dahil baka sa ika-apat na pagkakataon,
Mapapaniwala mo na naman ako.