Bakit Nga
Bakit ka pa kasi bumalik
Kung kelan ang mundo ko'y ayos na.
Handa na sanang tumanda mag-isa,
Pero bumalik ka at biglang nagpaasa.
Bakit mo pa kasi ipinaalala?
'Yung pangako mo noong
Balang-araw ihaharap sa dambana.
Taon na ang lumipas,
May bisa pa ba?
Bakit pa kasi muling umaasa?
Na sana seryoso na
Na sana hindi na lang bola
Na sana ito na.
Pangatlong pagkakataon na.
Totoo na ba kaya?
O dala lamang ng pagkainip
Sa panahon ng pandemya?
Kung kelan ang mundo ko'y ayos na.
Handa na sanang tumanda mag-isa,
Pero bumalik ka at biglang nagpaasa.
Bakit mo pa kasi ipinaalala?
'Yung pangako mo noong
Balang-araw ihaharap sa dambana.
Taon na ang lumipas,
May bisa pa ba?
Bakit pa kasi muling umaasa?
Na sana seryoso na
Na sana hindi na lang bola
Na sana ito na.
Pangatlong pagkakataon na.
Totoo na ba kaya?
O dala lamang ng pagkainip
Sa panahon ng pandemya?