Kapag Wala Nang Masabi
Kapag wala nang masabi,
Isulat na lang.
Liham, nobela o tula.
Maaari rin namang idaan sa kanta,
Sayaw at musika.
Kun'di man ay bahala na.
Makikita naman sa mga mata
Kung tapat nga ba
At hindi basta nambobola.
Kapag wala nang masabi,
Minsan nadadaan sa mga luha.
Sakit, galit at pagdurusa.
Hindi lang pagmamahal ang nakakapipi
Kahit maging pagkasawi at pang-aapi
Nauuwi sa katahimikang nakabibingi.
Isulat na lang.
Liham, nobela o tula.
Maaari rin namang idaan sa kanta,
Sayaw at musika.
Kun'di man ay bahala na.
Makikita naman sa mga mata
Kung tapat nga ba
At hindi basta nambobola.
Kapag wala nang masabi,
Minsan nadadaan sa mga luha.
Sakit, galit at pagdurusa.
Hindi lang pagmamahal ang nakakapipi
Kahit maging pagkasawi at pang-aapi
Nauuwi sa katahimikang nakabibingi.