Mga Salitang Hindi Masabi

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo.
Minahal kita, pero sa pagbabalik mo,
Hindi na ako sigurado.
Minahal kita, pero hanggang ngayon
Hindi ko alam kung ikaw nga ba'y nagseryoso.
Minahal kita, pero ako ba'y minahal mo
O sadyang biro lang lahat iyon sa'yo?

Bakit ka nga ba bumalik pa
Matapos ang walong taong pagkawala?
Ako ba'y dapat muling umasa
Sa mga pangako mo't salita?
Bigyang linaw mo sana
Bago ako mahulog sa muli pa.
Bago mamutawi sa mga labi
Ang mga salitang hindi masabi
Tulad ng "mahal pa rin yata kita".