Paano Nasusukat Ang Pagmamahal

Paano nasusukat ang pagmamahal?
Sa salita?
Sa gawa?
Sa mga matang salamin ng totoong nararamdaman?
Sa mga liham na naglalaman ng mga katagang mahirap sambitin?
Sa mga pasaring, selos, kilig at pasimpleng ngiti?
Sa mga bulaklak, tsokolate, pera o diyamante?
Sa mga kanta, tula o nobelang alay?
Sa mga larawan kaya na itinatago at sinisilayan palihim?
O sa mga ala-alang nasagi ng mga tanong na ito?