Sakali
Sakaling magtagpo muli
Ang mga landas natin
Sa pagdating ng panahon
Maaari bang balikan ang dati?
'Yung tipong walang galit,
Walang paghihinayang at pagsisisi.
Tulad ng magkaibigang nawalay
Nang matagal na panahon.
Sakaling magkita muli
Mamamansin kaya
O aaktong tila walang nakaraan,
Walang tayo, walang pinagsamahan?
Ang mga landas natin
Sa pagdating ng panahon
Maaari bang balikan ang dati?
'Yung tipong walang galit,
Walang paghihinayang at pagsisisi.
Tulad ng magkaibigang nawalay
Nang matagal na panahon.
Sakaling magkita muli
Mamamansin kaya
O aaktong tila walang nakaraan,
Walang tayo, walang pinagsamahan?