Kapag Wala Nang Maisulat
Paano kung wala nang maisulat?
'Yung tipong sobrang lungkot
Pero hindi naman makaiyak?
Ang daming gustong sabihin
Pero walang salitang lumalabas.
Paano kung wala nang maisulat?
Marami sila. May masaya. May malungkot. May galit. May nagmamahal. May umaasa. Sila ay ako. Ako ay sila. Mga tinig kasabay ng mga luha ng langit na pumapatak sa bubungan.